Sa segment na 'Random True Confessions" ng programa nilang "Mars," ibinahagi ni Suzi Abrera ang nangyaring karanasan niya noon nang suntukin niya ang kaniyang dating nobyo dahil sa matinding galit. Dahil sa insidente, tinawag na daw siyang "Tyson."
Ayon kay Suzi, nagtaksil kasi sa kaniya ang kaniyang dating nobyo at sangkot din ang kaniyang best friend kaya "double whammy" ang sakit na kaniyang naramdaman.
Dahil sa matinding galit, sinapak niya ang kaniyang ex-bf at nagka-black eye.
Matapos ang insidente, Tyson na raw ang tawag sa kaniya ng kaniyang ex at mga kaibigan nito.
Si [Mike] Tyson ay dating sikat na heavyweight boxing champ.
Aminado naman si Suzi na mali ang kaniyang ginawa kaya hindi raw siya dapat pamarisan. Panoorin ang buo niyang kuwento sa video na ito:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
