Mula sa pagiging gangster at basag-ulo, nagbagong buhay si Ador nang maging nobya niya si Rara, na kaniyang tinulungang makapagtapos sa pag-aaral.
Sa programang "Wowowin," ikinuwento ni Rara na kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho para sa pang-kolehiyo ng dalawang kapatid. Dahil dito, nagtrabaho ang nobyong si Ador bilang isang bagger sa supermarket para ibigay sa dalaga
Matapos ang apat na taon, nagtapos na si Rara bilang isang cum laude sa tulong ni Ador. Panoorin ang matamis na palitan ng mensahe ng magkasintahan. —Jamil Santos/JST, GMA News
