Halos siyam na taon ding nagpahinga sa industriya ng musika ang dating Orange and Lemons vocalist na si Mcoy Fundales.  At sa mga panahon na nawala siya sa music scene, ang bago niyang pinagkaabalahan na labis din niyang na-enjoy, ang pagiging script writer sa telebisyon tulad ng "Pepito Manaloto."

"'Yun 'yung talagang first love ko ngayon. I've been writing with kuya Bitoy, Michael V. for almost six years now, and I've been learning a lot. Right now I'm also starting to direct stuff. So napamahal na ako sa TV. So it's either I write, I direct or do something behind the camera," saad ni Mcoy,  na nagsusulat din ng script para sa "Stories for the Soul" at iba pa.

Unti-unti na rin daw natututo si Mcoy na magdirek.

" I'm trying to learn from Bert de Leon, from Michael V, Chito Francisco, Cesar Cosme. Ang daming mentors dito na I'm very thankful na sila 'yung nagsasabi sa akin na, 'Pakiramdaman mo. If you feel like doing it, why not? Nandito ka na rin," saad niya.

Hilig ni Mcoy ang magkuwento ng mga istorya, at nakita niyang sobra siyang "malaya" kapag nagsusulat siya ng script.

"Kaya ako na-in love sa pagsusulat ng script, kasi before, well first of all I love telling stories, sabi ko sa inyo chismoso ako, mahilig akong magkuwento," natatawa niyang sabi.

"When I started with the band [Orange and Lemons], I thought I would tell stories through songs. So that's how I did it before. Kaya lang when you're a songwriter, you're always limited to two and a half to three and a half minutes of material. Challenging kasi I have to tell my story, my thoughts in three verses, one chorus," paliwanag niya.

"So nu'ng natuto akong magsulat ng script, sumobrang laya ako. I have like 25 sequences at my disposal to tell my story eh 'yun 'yung masarap sa akin, ang magkuwento," patuloy ni  Mcoy.

Pareho raw na mahal ni Mcoy ang pagsusulat ng kanta at pagsusulat ng script.

"Both, I love doing. Sabi ko nga, 'yung hindi ko isusulat na episode, isusulat ko na kanta. There are stories na kaya ko ikuwento with the melody na mas feel ng tao, tapos there are stories na ang sarap ikuwento kasi visually makapaniwala," ayon kay Mcoy.

Pumirma si Mcoy ng kontrata sa music label na AltG Records kamakailan, na hudyat ng pagbabalik niya sa musika.

 

 


Inilabas na rin ang bago niyang single na "Bakit Kita Hahabulin?" sa Spotify.

"Since music naman ako nagsimula. Minsan napapasulat ako ng kanta sa Pepito Manaloto, sometimes theme song ng mga bagong show, I might as well sign up," paglalahad ni Mcoy.

Ngayong pirmado na sa altG Records, natanong si Mcoy kung may nakikita ba siyang conflict sa pagkanta at pagiging scriptwriter.

"On the contrary, I believe they will compliment each other. Kasi sabi ko nga sa Pepito [Manaloto], sometimes I write an episode na feel namin ni kuya Bitoy na magkaroon ng particular song within the story, so sulat na kaming dalawa eh, nagko-collab na kami. So I guess it's the same."

"Like for example, 'yung Ang Forever Ko'y Ikaw, it's a morning telenovela last year. Ako 'yung proponent ng show, ako rin 'yung nagsulat ng theme song, so ako na 'yung nasa creative team. More than anything, it would definitely compliment each other," aniya.

Hindi na raw tila "trabaho" lang ang pakiramdam ni Mcoy tungkol sa kaniyang pagbabalik musika ngayon.

"Sabi ko nga, at least, ang usapan namin ngayon is, I'm doing this not because I have to, I'm doing this because I love it and I love to. 'Di katulad dati naging trabaho talaga pagkanta eh. So it became a daily work, a job. Parang nawala 'yung sarap," lahad niya.

Dagdag pa ni Mcoy, "At least ngayon sabi nila, kanta ka lang. 'Pag may nasulat kang kanta, i-record mo. 'Pag may gusto kang i-interpret na kanta, narinig mo, sige i-record mo. I love it, this is what I want."

Kung bibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto na ring niyang mapag-aralan ang editing.

"To make it more complete, I'd love to study editing as well. Kasi nakita ko may magagaling na editor. Kasi sabi nga nila, 'yung mga nagtuturo sa akin, kung sanay kang mag-edit, sila Bitoy itinuturo, dinidirek mo pa lang na-e-edit mo na sa utak mo eh. So siguro, 'yon. I'll probably not study very detailed pero just to get an idea how good editing is," pahayag niya.-- FRJ, GMA News