Napasabak sa intense na MMA at iba pang fighting training si Katrina Halili nang tanggapin niya ang political action-thriller film na 'KontrAdiksyon.' Inamin niyang hindi ito biro dahil iba ang aksyong ginawa niya sa TV kumpara sa pelikula.

"Nag-training ako eh. And sa sobrang kabado ko talaga dahil nga big screen ito, tapos magaling ako, ako 'yung boss, ako 'yung nagko-command, nai-imagine ko sarili ko naloloka ako kasi ang laki ng screen. Kitang-kita lahat ng mali ko dito," kuwento ni Katrina sa media conference ng "KontrAdiskyon" nitong Biyernes sa Quezon City.

 

 

"So talagang nag-memorize ako ng script, kahaba-haba ng mga lines tapos may mga confrontation kami. Tapos ako 'yung nagmamando lahat so sabi ko, kailangan hindi ako mapahiya. Sa sobrang takot ko talagang inaral ko talaga, nag-training, lahat," dagdag pa niya.

Gaganap si Katrina bilang isang mataas na pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na mag-uutos na habulin ang isang dating human rights activist (Jake Cuenca) na naging undercover agent pero vigilante killer sa gabi, at kasabwat nitong drug pusher (Kris Bernal).

"Dati project-project ang style ko, 'pag hindi mo alam project-project ka lang, puwede mong ganu'nin eh. Pero ito kasi, big screen, hindi ka puwedeng maggagaganiyan. Pero nakatulong din na sobrang kinabahan ako, inaral ko talaga 'yung [moves] ko. At siyempre ginuide (guide) po ako ni direk Njel [de Mesa]."

Dahil hindi siya sanay sa action, tumanggi noong una si Katrina sa proyekto.

"Actually nu'ng in-offer sa akin ni direk, hindi ko siya tinanggap. Sabi ko 'Direk, feeling ko merong taong para diyan, hindi ako. Parang hindi ko nakikita 'yung sarili ko talaga kasi pag-aaralin niya ako ng MMA, mga Aikido. Sabi ko 'Direk, parang hindi ako ganiyan, hindi 'yan ako," kuwento niya.

Ngunit nagpasalamat si Katrina sa tiwala sa kaniya ng direktor, kaya pumayag din siya kalaunan.

"Pero sobrang buo 'yung tiwala niya sa akin, 'Naniniwala ako na kaya mo.' So nahiya ako, sabi ko 'Sige po a-attend po ako ng training."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A year ago i was offered the role of a strong independent woman serving the country with excellent hand combat, at first i was hesitant to accept the role, kasi first time ko to do this kind of intense role, lalo na sa big screen. Pero yun full trust ni Direk Njel de mesa sakin grabe.. kaya naisnpire ako na mag training before mag start yun shooting.. Thank you @erwin.tagle.mma and his team sa pag tiyaga sakin, and cympre sa training buddy ko @paoloparaiso @msvansoyosa , na talagang full support din,???? thank you @bellfilmsph Dr.James Dy for including me in this comeback project.... - ang haba nman ng caption ko, nanalo ng award? Hahahahaha???? Kontradiksyon showing on june 26 supportahan nyo po mahal namin pelikula by @erwin.tagle.mma

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili) on

 

Iba raw ang paggawa ng action scenes sa pelikula, na iba sa kung paano niya ginawa ang action scenes sa TV.

"Kakaiba siya kasi action, 'di ba hindi naman ako nag-a-action sa TV. Matagal na 'yun, Darna-Darna... Ang training nu'n sa set lang. Parang hindi ko nga alam kung tama 'yung mga suntok ko. Dito, pinag-training ako ni direk," paliwanag niya.

Matatandaang gumanap si Katrina bilang si Black Darna sa Darna (2005) at Serpina sa Darna (2009) sa GMA.

"Hindi ito kunwari-kunwaring action eh. Nag-training ako for this dahil ayokong mapahiya and direktor siya ng PDEA, women empowerment din siya. Pinapakita namin dito sa movie na may mga babae din tayo sa PDEA na matatapang din, na kaya din naman," sabi pa ni Katrina.--FRJ, GMA News