Bukod sa kaniyang Kapuso projects, may ipalalabas ding movie at isang pang-international project si Gabbi Garcia.

Sa Kapuso ArtisTambayan, inilahad ni Gabbi na isang digital series ang kaniyang pang-international project.

Hindi na gaanong nagbigay pa ng detalye si Gabbi, pero makikita raw dito ang isang "different kind of Gabbi."

Samantala, sinabi rin ng Kapuso Millenial It Girl na kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikula niyang "LSS" kasama ang bandang Ben&Ben.

Para kay Gabbi, dream role niya ang karakter na gagampanan sa movie.

"My role here, I'm an aspiring artist, so it's hard in a way because it's such a realistic situation where she was put in, my character. So I really had to dig deep and really feel the character kasi totoo siyang nangyayari sa buhay."

"It's so much challenging, hindi lang 'yung role actually. The whole movie was really challenging and for you to act and sing at the same time, you have to, kung ito 'yung level ng pag-perform mo as the artist, dapat ito rin 'yung acting mo, dapat pantay sila, dapat as one lahat, so it's a bit hard," dagdag pa ni Gabbi.

Panoorin ang buong panayam kay Gabbi sa video na ito:

 

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News