Mula sa 22 hopefuls, 14 na lang ang natira sa Starstruck Season 7 na sasalang sa next round ng reality-based artista search ng GMA 7.


Ayon sa Starstruck council, hindi naging madali ang pagpili nila sa final 14, na kailangan umanong lalo pang pagbutihan ang kanilang husay para manalo.

Sa mga babae, pasok sa final 14 sina Pamela Prinster, Angelic Guzman, Dani Porter, Ella Cristofani, Shayne Sava, Lexi Gonzales at Rere Madrid.

Ang mga lalaking nakapasok naman sa susunod na round ay sina Abdul Rahman, Karl Aquino, Kim de Leon, Gelo Alagban, Jeremy Sabido, Jerick Dolormente, at Allen Ansay.

Sila ang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Male and Female Survivors.
Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang "artista journey" ng fourteen finalists. --FRJ, GMA News