Hindi lang sa mga manonood tumatak ang matinding eksena sa seryeng "Dahil sa Pag-ibig" kung saan napakaraming pagsampal at suntok ang pinakawalan ni Sanya Lopez kay Benjamin Alves. Si Benjamin, pabirong sinabi na bigla niyang naalala ang palabang karakter ni Sanya sa "Encantadia" na si Danaya.   

"Di natin puwedeng kalimutan na isang 'Sangre' si Sanya. Siya 'yung warrior sa kanila so naramdaman ko si Danaya," sabi ni Benjamin sa GMA Network Excellence Award Ceremony nitong Biyernes. "And she boxes pa."

Inilahad ni Benjamin na isa sa mga pinakamalaking build up sa serye ang July 16 episode nito dahil ang pinakawalan na ang lahat ng galit na kinikimkim ni Mariel [karakter ni Sanya].

Nalaman na kasi ni Mariel ang namamagitan sa kaniyang asawang si Eldon (Benjamin) at kay Portia (Winwyn Marquez).

"Nabigyan niya [Sanya] ng justice 'yung scene na 'yon. Nilabas niya lahat ng galit niya at alam ko po 'yun kasi naramdaman ko galit niya," natatawang sabi ni Benjamin.

Ayon pa kay Benjamin, hiniling niya kay Sanya na huwag siyang gamitin ng kamao.

"I remember a slap wherein she did and I almost fell down kasi solid talaga yung sampal niya," saad ng GNEA Ambassador.

Matatandaan na nakatuwaan pa ng cast at crew ng serye na bilangin ang sampal at suntok na pinakawalan ni Sanya kay Benjamin na umabot ng mahigit 20.

READ: Benjamin, nakatanggap ng 22 sampal at suntok mula kay Sanya

Sa kaniyang Instagram, nagbiro rin si Benjamin at sinabing, "Ilan ba sampal ni Mariel sakin? At bakit wala nako nararamdanan sa pisngi ko? Teka, sino ako?
Ano pangalan ko?"

 

 

Inamin ni Benjamin na namaga ang kaniyang mukha sa mga sampal ni Sanya at kailangan agad lagyan ng yelo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The aftermath... Penge pa ng ice! May PTSD ako kay Sanya este Mariel.

A post shared by BENJAMIN alves (@benxalves) on

 

Mapapanood ang "Dahil sa Pag-ibig" sa GMA Afternoon Primetime.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News