Nagpaalam na sa "Starstruck" ang kahawig ni Alden Richards na si Jerick Dolormente, matapos siyang makakuha ng pinakamababang boto mula sa audience at council members.

Sa episode ng naturang reality show nitong Linggo, lumabas sa resulta ng mga boto na 74% ang nakuhang combine votes ni Jerick.

Bago nito, sumabak sa "sindakan artista test" ang Starstruck hopefuls kung saan nakasama nila sa aktingan sina Kris Bernal at Gabby Eigenmann.

Dahil sa pagkakaalis ni Jerick, 11 artista hopefull na lang ang natitira, anim  sa babae at lima sa lalaki, na binubuo nina Rere Madrid, Pamela Prinster, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Ella Cristofani,  Dani Porter, Jeremy Sabido, Abdul Raman, Radson Flores, Kim de Leon, at Allen Ansay. --FRJ, GMA News