Siyam na taon nang nagkukuwento tungkol sa buhay ng mga artista at iba pang personalidad, si Rhea Santos naman ngayon ang tampok ng programang siya ang host, ang "Tunay Na Buhay."

READ: 'Unang Hirit' host Rhea Santos holds back tears as she announces new chapter in her life

Ikinuwento ni Rhea ang kaniyang daily routine bilang anchor ng "Unang Hirit" na naging tahanan niya sa loob ng 19 taon.

Bago nito, nagsimula muna si Rhea bilang isang segment producer at segment host ng "Unang Hirit." Kabilang sa kaniyang niri-research ang mga beauty at job-hunting tips.

Nagtuloy-tuloy ito at naging flash report anchor din si Rhea.

Para sa kaniyang fitness routine, ipinasilip ni Rhea ang paborito niyang spinning studio kung saan workout buddy niya si GMA News anchor Pia Arcangel.

Panoorin kung bakit niya ito nagustuhan at alamin kung bakit madaling napalapit si Rhea sa kaniyang mga katrabaho.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News