Nakaburol na sa Loyola Memorial Park sa Para ñaque ang labi ng beteranang aktres na si Gloria Lerma Yatco, o mas kilala bilang si Mona Lisa.

Ayon sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing pumanaw ang 97-antres na aktres nitong Linggo habang natutulog.

Kuwento ng kaniyang apo na si Celine Fabie, nagka-brain injury ang aktres tatlong taon na ang nakararaan.

Pero hindi na raw siya pinaoperahan dahil na rin sa kaniyang edad.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Mona Lisa sa darating na Biyernes.

Nakilala siya sa kaniyang pagganap sa mga pelikulang "Giliw Ko," "Sagur" at "Insiang." --FRJ, GMA News