Matapos ang matagumpay niyang pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” tumanggap naman ngayon si Alden Richards ng pagkilala sa ginanap na Seoul International Drama Awards nitong Miyerkoles.

Looking-good sa kaniyang navy blue suit, rumampa si Alden sa red carpet ng Grand Peace Hall ng Kyunghee University.

Sa kaniyang talumpati nang tanggapin ang Asian Star Prize, sinabi ni Alden na isang karangalan para sa kaniya na matanggap ang naturang award na kumikilala sa Asian talents.

"As a Filipino, I am very humbled and grateful to be recognized in the international scene, along with so many amazing and talented artists here tonight."

"This award is extra special because it comes at a time when we are celebrating 70 years of friendship between the Philippines and South Korea," saad ni Alden.

"It’s always our hope to make people happy and inspire them with our passion. Thank you," sinabi ni Alden tungkol sa kaniyang trabaho bilang aktor, matapos pasalamatan ang Seoul Drama Awards Committee at ang Korean Broadcasters Association.



Ang Seoul International Drama Awards ay ginagawa taun-taon na layong mapag-isa ang lahat ng nasa industriya ng TV drama production at media at global audiences na kinahihiligan ang television dramas.

Si Alden na ang ikatlong Kapuso actor na nakatanggap ng naturang award. Una rito si Dennis Trillo noong 2016, at si Gabby Concepcion nitong 2017.

Ang Asian Star Prize ay isang non-competitive award na pagkilala sa mga Asian drama actors na napamahal sa mga Korean audience.

Ito naman ang ikalawang international award ni Alden. Natanggap na rin niya ang New York Festivals silver medal para sa "Alaala" noong 2018. --Jamil Santos/FRJ, GMA News