Ang pelikulang "Verdict" ang opisyal na entry ng Pilipinas sa 92nd Academy Awards o Oscars sa ilalim ng foreign language film category.

Bibida rito si Maxene Eigenmann, na tungkol sa inabusong misis na naghahanap ng hustisya, ayon sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa GMA News TV "Balitanghali."

Bago nito, nagwagi na rin ang "Verdict" ng Special Jury Price sa Orizzonti competition ng Venice Film Festival 2019, at naipalabas na rin sa Toronto at Busan Film festivals. —Jamil Santos/LDF, GMA News