Isang animal welfare advocate at alagang-alaga sa aso niyang si Princess Panda, mahalaga para kay Heart Evangelista na mabuksan ang kaisipan ng mga tao tungkol sa pagpapahalaga sa mga "aspin" o asong Pinoy.

Sa programang "Amazing Earth," ikinuwento ni Heart kung paano siya namulat tungkol sa sitwasyon ng mga aspin sa bansa.

"We had a place in Carmona, Cavite, and then madaming mga aso na kinakatay sa labas. Since we had Aspins, sobrang shock for us na makarinig ng asong  kinakatay. That's when namulat 'yung mga mata namin. And then as I got older, my dad would also tell me na ito 'yung nangyayari."

Dahil dito, naging aktibo si Heart sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society) at nag-ampon din siya sa kaniyang sarili.

"Because 'pag sinabi mong askal, parang madumi, may rabies or nangangagat," saad ni Heart.

“We had to change the mentality. By giving her a good life and showing people na she deserves a really nice collar too, or she deserves a nice blanket, then it changes the way people think. And then 'pag nakita nila 'yung aso, 'Ang ganda ng aso parang 'di askal,'" pagpapatuloy niya.

Para kay Heart, dapat ding alagaan ang mga Aspin tulad ng pag-aalaga sa ibang aso.

"That's the thing, it's an Aspin, and 'pag napaliguan 'yan at naaalagaan, gaganda rin sila like any other dog... Feeling ko ang aspin, parang meron silang utang na loob. They are born to be street smart. Well, all dogs are loyal but I think mas grateful 'yung Aspin for me," ani Heart. —Jamil Santos/LBG, GMA News