Bago naging artista, naging beauty queen muna si Patricia Tumulak, at kinalaunan ay naging bahagi ng longest running-noontime show na "Eat Bulaga." Pag-amin ni Patricia, ang "Eat Bulaga" ang nagbukas sa kaniya ng mga oportunidad sa showbiz.

Kahit dalawang beses sumali sa beauty contest, sinabi ni Patricia na hindi niya pinangarap na maging beauty queen. Sumali lang daw siya sa mga kompetisyon para sa kaniyang ina na frustrated beauty queen.

Ayon kay Patricia, “Ang maging beauty queen kasi ang pangarap ng mommy ko noon.

"Kaso, hindi natupad iyon kaya sa akin niya pinu-push iyon. Pinagbigyan ko naman ang mommy ko.

"Being a beauty queen was never my ambition. Naging masunurin na anak lang ako sa mommy ko," kuwento ni Patricia nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment) sa contract signing bilang advocate ng GMA Kapuso Foundation noong October 23, Miyerkules, sa GMA Network Center.

Naging kandidata si Patricia sa Miss Earth Philippines 2009, kung saan nakuha niya ang title na Miss Earth Philippines-Fire.

Noong 2011 ay sumali siya sa Binibining Pilipinas at umabot siya sa Top 10. Ang nanalong Miss Universe Philippines 2011 ay si Shamcey Supsup.

Saad niya, “After joining those two pageants, sinabi ko sa mom ko na, ‘Ayan, napabigyan na po kita. Ang gusto ko naman ang gagawin ko.’

"My beauty camp [Kagandahang Flores] wanted me to join another beauty pageant noong 2015.

"Pero I was already doing Eat Bulaga! that time kaya tinanggihan ko na.

“'Tsaka overage na ako to join any pageant. I was already 25 when I joined Binibining Pilipinas noong 2011.

"Parang last chance ko na yun to join."

Pag-amin ni Patricia, “I really want to be an educator. Yung pagiging teacher, parang second nature na sa akin.

“Bata pa lang ako, hilig ko nang magtitser-titseran kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko.

“Kapag tinanong nga ako kung ano ang talent ko, it’s never dancing or singing. Teaching ang talent na alam ko!”

Napasok ni Patricia ang showbiz via Eat Bulaga! noong 2015, at nakilala siya bilang HBD Girl.

“Eat Bulaga! opened new doors for me. From being the HBD Girl na binabati ang birthday celebrators every day, napunta ako sa pag-perform kapag may special contest ang Eat Bulaga.

“Naging all-around performer ako dahil sa Eat Bulaga! at tatanawin ko na malaking utang na loob 'yan sa kanila.

"As in, forever ko silang pasasalamatan kung nasaan ako ngayon,” pahayag ni Patricia.

Pinasok din niya ang acting at lumabas na siya sa mga teleserye ng GMA-7 na Calle Siyete, I Heart Davao, Super Ma'am, Contessa, Inagaw Na Bituin, Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, at ang bagong afternoon drama series na Magkaagaw.

Aniya, “I enjoyed acting as much as I enjoyed hosting.

“Nakapag-acting workshop ako and noong una, kabado because hindi talaga ako actress, di ba?

“Pero I was able to do two Lenten drama specials for Eat Bulaga! before, kaya kahit paano, nagkaroon na tayo ng experience before doing teleseryes.”-- For the full story, visit PEP.ph