Hindi magkandamayaw sa kilig ang studio audience ng Eat Bulaga! nitong Sabado sa pag-iibigan nina Lorna at Danny, na may 34 taong age gap.
Senior citizen na si Lorna sa edad na 67, samantalang 33 naman si Danny.
Seven years and going strong si Ate Lorna and Kuya Danny! ♥? pic.twitter.com/MnZcfIoRnE
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 9, 2019
Kuwento ni Danny, 18 taong gulang siya nang makilala niya ang 52-anyos nang si Lorna noong 2004.
Nagsimula ang lahat nang maghanap si Lorna ng mapapa-load-an sa isang mini-concert, kung saan nandoon rin si Danny.
"'Yung una po kaming nagkita, talagang bilang customer lang talaga. Pero dahil po doon sa lagi po kaming nagkikita, nag-start kami ng friend, from best friend, then nu'ng dumaan 'yung panahon, talagang nahulog po ang loob ko sa kaniya," sabi ni Danny.
Seven years na silang kasal! ???????????? pic.twitter.com/0SnGmLlMiH
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 9, 2019
Pitong taon nang magkarelasyon sina Danny at Lorna.
Seven years na silang kasal! ???????????? pic.twitter.com/0SnGmLlMiH
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 9, 2019
Mas lalo pang kinilig ang studio audience nang awitan ni Danny ang minamahal niyang si Lorna ng "Kahit Maputi na ang Buhok Ko."
Panoorin ang nakakakilig nilang eksena sa 42:30 part ng video.
Kinilig naman ang netizens sa pag-iibigan nilang dalawa.
Grabe sobrang saya! ???????? halos malaglag ako sa upuan sa kilig at tuwa ???? @EatBulaga all time favorite, one of the #EBtheBEST segments ?? pic.twitter.com/M1KbCbnCA4
— ???????????????? ???????????????????????????? (@bengggay) November 9, 2019
awwww, ang sarap ma inlove!!! ????????????#BawalJudgemental @EatBulaga pic.twitter.com/E9pJU2Jn7s
— Lhotte (@mommylhotte) November 9, 2019
— MDM, GMA News
