Mula sa pagiging co-host ni Kuya Wil sa "Wowowin," magkakaroon na rin ng kaniyang first acting project ang Youtube sensation na si  Herlene "Hipon Girl" Budol.

Mapapanood si Herlene sa anniversary special ng "Magpakailanman," kung saan gaganap siya bilang isang OFW sa Dubai.

Gagampanan ni Herlene ang role ni Jenny, ang babaeng magtatrabaho sa Dubai bilang yaya ng isang batang may cerebral palsy.

Dahil pagtitiyaga ni Jenny sa pag-aalaga sa bata, mapapalapit sa kaniya ang ama ng bata at kaniyang Egyptian boss, na gagampanan ni Mike Agassi.

Pero hindi magiging madali ang lahat at may mga problema rin na kailangan nilang resolbahin.

Panoorin sa darating na Sabado, November 30, pagkatapos ng Daddy's Gurl, ang "Magpakailanman" episode na "Yaya Dubai and I," at humanga sa husay ni Herlene sa kaniyang pagganap.-- FRJ, GMA News