Mula sa pagiging kontrabida o second lead, binigyan ng big break si Pauline Mendoza na maging bida sa isang upcoming Kapuso series.

Sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing sobrang saya ni Pauline sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

Sa kaniyang Instagram post, makikita rin ang pasasalamat ni Pauline sa GMA executives.

"This is it! Thank you Lord for this blessing. And, of course maraming salamat @artistcenter @gmanetwork @gmapinoytv @gmadrama for trusting me with this amazing project. I am so happy and excited to work with these amazing people," saad niya sa caption ng larawan na makikita ang kaniyang mga makakasama sa proyekto.

 

 

Kabilang sa mga makakasama ni Pauline sa proyekto sina Carmina Villaroel, na nakasama na niya sa dating seryeng "Kambal, Karibal."

Kasama rin sa proyekto sina John Estrada, Kristoffer Martin, David Licauco, David Bornea at Liezel Lopez.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News