"Kami na po." Ito ang masayang pagkumpirma ni Andrea Torres sa relasyon nila ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay.

"Super official na siya," dagdag ni Derek bilang suporta sa sinabi ni Andrea nang tanungin sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes.

Ayon sa Kapuso couple, isa sa kanilang pinagkakasunduan ay ang pagiging close nila sa kani-kanilang pamilya. Katunayan, ilang beses na rin daw silang lumabas kasama ang kani-kanilang mga magulang.

"I value family so much and now I've met someone who does that, matches that value as I do, so it’s amazing," sabi ni Derek.

Excited na rin daw ang dalawa na magdiwang ng kanilang unang Christmas as a couple, at isa sa kanilang plano ay magkasama-sama rin ang kanilang pamilya.

"She’s very close to her family, I’m very close to my family and now our families are very close to one another so magiging masaya 'tong Pasko na ito," sabi ni Derek.

"First of many. Wow!," masayang sambit ni Andrea.

Samantala, ginawan naman ng paraan ni Andrea ang kaniyang schedule para makasama si Derek sa kaarawan nito sa Sabado.

"Sinabi ko naman sa kaniya na work is work. We can always celebrate naman on a different date pero gusto talaga niya na kasama niya ko sa actual birthday ko... So inurong niya 'yung flight niya," sabi ni Derek.

"Iba 'yun siyempre [na makasama]," sabi ni Andrea.

Kasabay nito, mayroon na ring silang YouTube channel kung saan ipasisilip ang behind the scenes ng kanilang relationship sa kanilang fans.

"Basta for me I get to spend more time with her so okay na 'yun," ani Derek.

Ayon naman kay Andrea, "Ang maganda rito hindi siya scripted. Makikita niyo 'yung mga pinagtatawanan namin, paano kami magkulitan talaga."

Nakamayam ang dalawa sa holiday table styling launch na ginawa ni Derek para sa isang mall.--Jamil Santos/FRJ, GMA News