Sa ika-70 taong anibersaryo ng GMA Network, sasalubong sa 2020 ang mga pasabog na teleserye na pangungunahan ng mga bigating Kapuso star at istoryang hindi makalilimutan.

Kabilang sa bagong programang tutukan ng mga Kapuso ang Filipino adaptation ng "Descendants of the Sun" na pangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Balik-primetime din si Marian Rivera kasama si Gabby Concepcion para naman sa kakaibang istorya ng "First Yaya."

Alamin sa video ang iba pang programa na aabangan sa 2020. —FRJ, GMA News