Inihayag ni Jasmine Curtis-Smith na super excited na rin maging ang ate niyang si Anne Curtis sa pagbibidahan niyang Philippine adaptation ng sikat na Korean series na "Descendants of the Sun."

Ayon kay Jasmine, fan talaga si Anne ng mga Koreanovela, kaya makikita ang suporta ng kaniyang ate sa kanilang mga DOTS photos.

Kasabay nito, excited na rin daw ang pamilya nina Jasmine sa pagsilang ni Anne ng baby girl nito. —Jamil Santos/LBG, GMA News