Hindi nakaligtas ang sasakyan ng pamilya ni Barbie Forteza sa atake ng "basag-kotse" gang sa Quezon City. Ina ng aktres, naglabas ng saloobin sa nangyaring insidente.

Sa video post ni Jak Roberto, nobyo ni Barbie, ikinuwento ng aktres at kaniyang ina, ang nangyaring insidente noong gabi ng December 21 sa Tomas Morato area sa Quezon City.

Ayon kay Barbie, kasama niya ang kaniyang ama at ina nang mangyari ang insidente.

Siya umano ang unang nakapansin na basag ang salamin sa bintana ng kanilang sasakyan at nawawala ang bag ang kaniyang ina na may laman na ilang gamit.

Batay umano sa kuwento ng mga awtoridad sa kanila, madalas daw ang naturang insidente sa lugar dahil hindi gumagana ang CCTV doon kaya malakas ang loob ng mga kriminal.

Hindi naman napigilan ng ina ni Barbie na maglabas ng sintemyento sa insidente dahil tila hindi na raw safe bumaba ng sasakyan ang mga tao.

Panoorin ang buong kuwento sa pangyayari sa video na ito.

--FRJ, GMA News