Ikinasal na sa kani-kanilang non-showbiz partner sina Valerie Concepcion at Jinri Park.
Si Valerie, nakipagpalitan ng I do sa kaniyang nobyong si Francis Sunga nitong Sabado, December 28, sa isang garden wedding sa The Hills sa Silang, Cavite.
Sinabi noon ng aktres na hindi naging madali ang long-distance relationship nilang dalawa pero nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan.
Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Valerie na engaged na siya kay Francis na nagtatrabaho noon sa Guam.
LOOK: Valerie Concepcion confirms she's engaged
Sa hiwalay na panayam noon, sinabi ng aktres na matagal na niyang pangarap na maikasal sa lalaking minamahal niya at matutupad na iyon matapos mag-propose sa kanya ng kasal si Francis noong July 2018.
READ: Valerie Concepcion sa kaniyang pagpapakasal: 'Finally may nabingwit din ako'
Samantala, ibinahagi naman ni Jinri sa kaniyang Instagram post ang naging intimate Korean wedding nila ng nobyong si John, isang Pinoy na lumaki sa Australia.
Sa larawan, makikitang suot ng traditional Korean dress si Jinri, habang naka-tuxedo naman si John.
"Welcome to our family, John! Love you forever," saad niya sa post.
Nitong nakaraang Hulyo ibinahagi ni Jinri sa kaniyang vlog ang na engaged na sila ni John. --FRJ, GMA News
