Inilahad ni Kisses Delavin na gusto niyang makatrabaho ang "Unang Hirit" at "Saksi" anchor na si "Igan" Arnold Clavio.

"Gusto ko pong makatrabaho si kuya Igan. Akala ko nga po kasi nag-a-acting po siya eh. Parang maganda po siya bilang tito or 'yung supportive tito," sabi ni Kisses sa isang panayam ng GMANetwork.com.

"Nakakatuwa po kasi nu'ng bumisita po ako sa [Tonight With Arnold Clavio], ang cute niya po kasi eh. Kasi andoon po 'yung mga supporter ko, tapos po nag-boomerang siya na parang nakatawa siya, bigla siyang gumanoon (bumulaga). Ang cute niya po," kuwento ng young actress.

Nabanggit ni Kisses kay Igan na tatlong-taong-gulang pa lamang siya noon nang makita niya ang anchor kasama pa ang puppet na si Arn Arn.

Panoorin ang kaniyang panayam.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News