Sa "Taste MNL," muling nakasama ni Arra San Agustin ang best friend niyang si Analyn Barro, kung saan sinubukan nilang ang isang affordable na samgyupsal sa Quezon City. Saad ni Arra, nadi-"distract" siya sa mga IG post ng kaibigan.
Habang ini-enjoy ang kanilang inorder na pagkain, ikinuwento ni Arra na nadi-"distract" siya sa mga IG posts ni Analyn, lalo na ang mga bikini photos nito. Kaya pabiro niyang tinanong si Analyn kung ano ang ipinaglalaban ng kaniyang kaibigan.
Pero sabi ni Analyn, wala naman siyang ipinaglalaban at bihira nga lang daw siyang mag-post nang naka-bikini at late post na raw ang iba.
Biro pa ni Arra, nasasaktan ni Analyn ang kanilang feelings lalo na sa "chest" area.
Panoorin ang masarap at masayang kuwentuhan ng dalawa at alamin kung bakit niregaluhan ni Analyn ng bra kay Arra.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
