Inihayag ni Dina Bonnevie na kinabahan siya tungkol sa pakikipagtrabaho kina Barbie Forteza at Kate Valdez sa pangamba na baka "may sungay" ang dalawa tulad ng ibang young star na nakatrabaho niya at tinarayan.
Sa isang video ng GMA Network, sinabi ni Dina na naisip niya na baka masabihan niya sina Barbie at Kate ng, "Papunta ka pa lang hija, pabalik na ako," na sinabi niya na rin sa ibang young stars.
Dagdag pa ni Dina na kaniyang linyahan sa pagtataray, "Alam mo, huwag kang magme-memorize ng linya mo sa set ha. Bago ka tumapak dito memorize your lines. We are paid to study our lines, not to memorize on the set while we're blocking and please huwag kang mag-phone."
Ngunit hindi raw niya nagamit ang mga linyang ito kina Barbie at Kate.
"Super professional sila at masayang katrabaho kasi they're so professional. Very magalang, very respectful. And ewan ko ba, feeling ko mga anak na rin namin kasi ang babait nila talaga," sabi ni Dina.
Nag-"second the motion" naman si Snooky sa sinabi ni Dina, na may takot din noong una na baka lumabas ang pagiging Waray niya dahil sa baka hindi magandang ugali ng young stars.
"But then, thankfully nga talaga na ambabait naman ng mga batang ito. And I'm not saying this for show ha dahil nakaharap kami sa inyo, but honest to goodness talaga I thank God that I'm working with one of the best teen stars," sabi ni Snooky.
Panoorin ang kuwento ni Dina na napaluha siya nang tapunan niya ng kape si Barbie sa isang eksena dahil naawa siya sa young actress.
--FRJ, GMA News
