Inihayag ng mag-asawang GMA News personalities na sina Mariz Umali at Raffy Tima ang mga advantage sakaling ma-in love ang isang tao sa kaniyang best friend.
Ayon kay Mariz, maganda ang pundasyon ng mag-best friends na naging magkasintahan dahil malalim na ang pagkilala nila sa isa't isa at hindi na nila kailangang magpanggap.
Sinabi naman ni Raffy na alam din ng mag-best friends ang "best" at "worst" ng isa't isa at kailangan na lamang nila itong tanggapin. Panoorin ang kanilang love advice sa video na ito.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
WATCH
Mariz Umali at Raffy Tima, ipinaliwanag ang advantage ng pagiging in love sa best friend
Pebrero 13, 2020 6:28pm GMT+08:00
