Inilahad ni Andrea Torres kung paano nila tinanggap ng kaniyang pamilya ang pagkakaroon ng kaniyang kapatid na lalaki ng Down syndrome, at kung papaano nila ito inaalagaan.

"Actually naaalala ko noong bata ako, ang dami kong questions... Humihiling talaga ako sa parents ko ng kapatid. So first time ko ring makakita ng ganoon na lumalaki from baby," sabi ni Andrea sa programang "Mars Pa More."

"Pero may idea ako, parang...bakit hindi pa siya naglakakad, bakit hindi siya nagsasalita, 'yung ganoon," dagdag ng aktres.

ALAMIN:  Ano ang mga palatandaan na may autism at down syndrome ang isang bata?

Dahil sa sitwasyon ng kaniyang kapatid, nagdesisyon daw ang mga magulang ni Andrea na huwag na itong sundan ng isa pang kapatid.

"Actually noong lumabas siya, nag-decide 'yung parents ko na 'wag nang sundan, para talagang lahat ng atensyon namin nasa kaniya. Tapos talagang hineart to heart kami para ma-feel talaga namin na may responsibilidad kami forever; Na kahit anong mangyari talagang lahat kami kailangang pagtulungan namin siya [na alagaaan]," anang aktres.

Inihayag ni Andrea na may autism din ang kapatid na medyo severe kaya kinakailangan nito ng pag-intindi, pagpasensya at pagmamahal.

Kailangan din daw na maging aware ang publiko tungkol sa mga tong may Down syndrome.

"Kailangan din actually maging aware 'yung mga tao like kasi sila, hindi ka puwedeng mainis kasi kung ano 'yung tinuro mo, 'yun lang naman 'yung alam nila eh. Tsaka memorize nila 'yung araw nila, may routine siya," sabi ni Andrea.

"Kapag mag-i-introduce ka ng bago, kailangan dahan dahanin mo, tapos kailangan lagi ka ring aware sa katawan niya, sa nangyayari sa kaniya, kasi minsan feeling mo nagta-tantrums lang, may nararamdaman na pala siya, hindi lang niya masabi kasi hindi siya nagsasalita," dagdag niya.

Ipinaliwanag ng pediatrician na si Dra. Angelita Gonzales na may 23 chromosomes ang isang normal na tao. Pero sa kaso ng may down syndrome, may depekto ang ika-21 chromosome, na maaaring nadoble o ang chromosomal part, kaya tinatawag itong Trisomy 21.

Ayon pa kay Dra. Gonzales, puwedeng mamana ang Down syndrome, o 'di kaya kung "older age" na ang ina. --FRJ, GMA News