Inilahad ni Smokey Manaloto ang dahilan kung bakit single pa rin siya ngayon sa edad niyang 48.

"I am currently in between relationships. Dry spell na dry spell ako ngayon. Puwede bang sabihin, ito ha, I am alone but I'm not lonely," sabi ni Smokey sa "Tunay Na Buhay."

May ibinunyag din ang kaniyang mga kaibigan tungkol sa love life ni Smokey.

"Si Smokey 'pag na-in love 'yan, todo. Talagang namumuhunan 'yan. Flowers, chocolate, hatid-sundo," ayon kay Dennis Padilla.

"Ay ang gaganda ng mga naging chicks niyan kahit pangit 'yan. Hahaha! Pinu-push ko na nga 'yan eh. 'Sige na mag-asawa ka.' Ayaw, ewan ko diyan. Basta sabi niya pagtanda, kami pa rin magkasama," sabi naman ni Sylvia Sanchez.

Inilahad naman ni Smokey ang tipo niyang babae.

"Basta 'yung mahal ako. Ang pangit lang sigurong marinig 'to, siguro nakakasawa na ring pakinggan 'to. Pero naniniwala ako na 'yung mga lalaki gusto nilang mahanap 'yung mga babaeng kapareho ng nanay nila," anang comedian. — Jamil Santos/MDM, GMA News