Sa programang "Mars Pa More," sinabi ni Ashley Ortega na mas pinaglalaanan niya ngayon ng oras ang kaniyang workout at pag-gym. Kasabay nito, inihayag ng aktres kung sino ang international model na gusto niyang magaya ang katawan.
Ayon sa Kapuso actress, goal talaga niya ngayong 2020 na maging fit at magawa ang pull-ups na unang inakala niya na madali kapag ginagawa ng ibang tao sa gym.
"Hindi ko inexpect noong una na ganun pala siya kahirap. Kasi kapag naggi-gym ako, even girls doing na parang ang dali lang," kuwento niya.
Pero nang subukan niya, doon na niya naranasan na hindi pala madaling ingat ang buo niyang katawan. Panoorin ang kaniyang kuwento at alamin kung sino ang sikat na international model na nais niyang tularan ang katawan.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
