Sa programang "Mars Pa More," pinag-usapan nina RJ Padilla, Sef Cadayona, at mga host na sina Camille Prats at Iya Villania ang mga naging pang-asar daw sa kanila.

Si RJ, ibinahagi na naging pang-asar daw sa kaniya ang maging kamukha ng komedyanteng si Redford White. Pero napahalakhak ang studio nang gayahin niya ang komedyante.

Hindi rin napigilan nina RJ, Sef at Iya na matawa nang ipakita ni Camille ang kaniyang "baby bangs." Panoorin ang masayang video.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News