Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," nagtagisan ang SB19 members na sina Stell, Sejun, Justin, Josh, at Ken ng kanilang galing sa paghula ng mga sikat na K-Pop songs, at kung paano ang dance moves nito.

Kabilang sa kanilang mga hinulaan ang "Boom Boom" ng Momoland, "Fire" ng 2NE1, "Nobody" ng Wonder Girls at "Sorry Sorry" ng Super Junior. Alamin kung sino sa kanila ang nakarami ng score.

Kasabay nito, sumabak din ang Pinoy boy group sa tatak TWAC na "Sino?" at naglaglagan kung sino sa kanila ang laging nahihirapan sa pagiging on time, K-Pop fan noon pa, at ang pinakamatakaw sa Korean food.

Naglaglagan din sina Stell, Sejun, Justin, Josh, at Ken kung sino sa kanila ang pinakamatagal gumayak at mag-ayos, at kung sino ang lapitin sa girls.

— Jamil Santos/DVM, GMA News