Pumanaw na ang kapatid ni Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian na lumaban sa coronavirus 2019 (COVID-19).

Inihayag ni Ruby ang kaniyang mensahe sa Instagram, kung saan ibinahagi niya ang photo ng buo nilang pamilya nitong Pasko.

 

 

Si Dr. Sally, na siyang presidente ng Philippine Pediatric Society, ang ika-9 na doktor na pumanaw sa Pilipinas matapos magpositibo sa COVID-19.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Ruby na naka-confine ang kaniyang kapatid sa isang ospital. "She is weak but stable," saad ng EB Dabarkads sa Twitter. —Jamil Santos/LBG, GMA News