Sa mga nakaraang panayam, inihayag ng ilang Kapuso star na nagbigay-boses sa mga karakter sa Holy Week series na "Jesus: His Life," na hindi madali ang mag-dub dahil kailangang ibagay ang boses sa pag-arte ng karakter.
Panoorin ang ilang eksena sa likod ng ginawang paglalapat ng boses nina Ken Chan (bilang si St. Peter), Martin del Rosario (bilang si Judas Iscariot), Paolo Contis (bilang si Pontius Pilate), Max Collins (bilang si Mary), at Sanya Lopez (bilang si Mary Magdalene), para sa "Jesus: His Life," na mapapanood simula sa Maundy Thursday hanggang Black Saturday sa GMA-7.
--FRJ, GMA News
