Sinabi ni Rhian Ramos na hindi muna siya sasabak sa kissing scene sa mga proyektong gagawin kapag pinayagan nang magbalik sa trabaho ang mga artista.

"I think for a while, I think I just won't allow any kissing scenes at all," sabi ni Rhian sa Kapuso Showbiz News bilang pag-iingat na rin dahil sa COvID-19 pandemic.
"Before any scene or you have to touch someone's face, there should be enough alcohol on set," dagdag pa ni Rhian.

Kasama rin sa kaniyang pag-iingat ang laging pagsusuot ng face mask at ipinatutupad ang social o physical distancing.

"Napansin ko recently, because we're always in face masks and because we always have bigger things on our minds, I haven't taken a single photo with anyone for months," saad niya.

Aminado naman siya na nais na niyang magtrabaho at maraming tao rin siyang nais na niyng makita.

"Kasi ako gusto ko na talaga eh, miss na miss ko na. Marami na akong nami-miss na tao. Marami na akong nami-miss na feelings, like the feeling of being busy, the feeling of being in one place this day and another place tomorrow, 'yung bawat gising mo nasa ibang lugar ka na naman," anang aktres.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News