Handang tulungan ni Heart Evangelista ang mga estudyanteng walang tablet na kakailanganin ngayon pasukan para sa online schooling.

“For those who don’t have tablets for online school please dm me on ig [Instagram]... I will be giving away as much tablets as I can,” saad ni Heart sa ipinost niyang larawan na makikita ang tablet na kaniyang ibibigay.

 

 


Inirerekomenda ang online classes at blended learning sa darating na pasukan dahil ipinagbabawal ang face to face class dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, maraming magulang ang nag-aalala para sa pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa kawalan nila ng gadget na magagamit. Problema rin ng iba ang internet connection.

Kamakailan lang, isang tinderang lola ang nag-viral dahil ibinili niya ang smartphone ang apo para may magamit umano sa pasukan. --FRJ, GMA News