Idinadaan na lang ni Lovely Abella sa ngiti ang pagkansela ng kaniyang kasal sa fiancé na si Benj Manalo sa Enero 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" sinabing naging malaking bagay ang pagsuporta ng close friends ni Lovely na sina Chariz Solomon at Valeen Montenegro para hindi niya ikalungkot ang wedding postponement.

"Actually mas nakatipid talaga ngayong quarantine dahil siyempre ang bisita mo limited. Kaya lang dahil din sa quarantine, nagastos din namin 'yung budget pang-wedding," natatawang kuwento ni Lovely.

Na-engaged sina Lovely at Benj Hunyo ng nakaraang taon.

Samantala, isa na ring ganap na fitness instructor si Lovely matapos ituloy ang pag-aaral niya online habang naka-quarantine.

"Isipin mo sa pag-aaral kong 'yon medyo natuyot 'yung utak ko kasi kailangan mo palang pag-aralan ang nerves, ang brains, ang joints, ang respiratory, ang heart. So iba-iba pala ang function nu'n every time na nagwo-workout tayo. Dapat pala inaalam 'yun talaga," sabi ni Lovely.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Goodmorning ???? Sharing my HAPPINESS and ACHIEVEMENT for you guys, ang daming nabago sa buhay ko ng dahil sa LOCKDOWN na to, mas naintindhan ko ang rason kung bakit nangyari to aside sa mas naging close ang family ko, madami akong nainspire at namotivate in my own ways, para makaiwas sa depression and anxiety at the same time para maging healthy para lumakas ang immune system at higit sa lahat para maging SEXY, gumigising everyday ng maaga para gumawa ng workouts , kumausap ng napakarami everyday para sagutin ang mga questions , mag basa ng magbasa, manood ng mga videos at ang dami pa, pero higit sa lahat mas naINSPIRE niyo ako to LEARN more, di pala madali pero mga ka SQUAD, mga PANGGA!! I MADE IT!! IM a CERTIFIED FITNESS TRAINER na!! Yahoooo #COACHga #lovelysfitnesssquad #lovelystransformation

A post shared by Lovely Abella (@lovelyabella_) on

 

"Mas marami akong natutunan, at the same time medyo pinagkakakitaan ko na rin siya this time," dagdag pa niya. —LBG, GMA News