Nagkamali ng numerong tinawagan si Kuya Wil sa “Wowowin-Tutok To Win,” pero maswerte pa ring nanalo ang caller ng P10,000 dahil nagkataong subscriber din siya at nanonood ng programa.

Napatawa na lang si Kuya Wil nang magkamali siya ng pagpindot sa isang numero at aksidenteng matawagan ang isang ginang sa Payatas. Pero dahil nanonood ang caller, binigyan niya na rin ito ng premyo.

Matapos nito, tinawagan na ni Kuya Wil ang subscriber sa General Santos City na una niya dapat tatawagan. Panoorin ang nakakatuwang eksena. – Jamil Santos/RC, GMA News