Isang taon na mula nang makipaghiwalay si Kim Domingo sa kaniyang nobyo. Kaya naman sa kaniyang Instagram post ay may ipinahiwatig siya sa kaniyang pagiging single.

"People who have been single for too long are the hardest to love," saad ni Kim sa kaniyang Instagram.

"They have become so used to being single, independent and self-sufficient that it takes something extraordinary to convince them that they need you in their life," pagpapatuloy ni Kim.

 

 

Matatandaang naghiwalay sina Kim at ang boyfriend niyang si Michael "Mike" Acuña noong nakaraang taon.

Inamin din ni Kim na nabawasan ang kaniyang fans nang itigil na niya ang kaniyang pagpapa-sexy. Pero mas masaya raw siya ngayon dahil marami rin namang pumalit na tunay na humahanga sa kaniya. --Jamil Santos/FRJ, GMA News