Namahagi si Neil Ryan Sese ng mga libreng helmet ilang nakabisikletang commuter ngayong pahirapan at may peligro pa rin ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila dahil sa COVID-19.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Neil ang kaniyang munting paraan ng pagtulong sa pamamagitan ng kaniyang charity organization na TatsoLook para makatulong sa mga siklista.

 

 

Dahil limitado pa rin ang mga pampublikong transportasyon at may kasamang peligro ng mahawa sa COVID-19, maraming commuters na papasok sa trabaho ang pinipiling magbisikleta na lang.

Pinayagan ang mga naturang sasakyan bilang "essential mode" ng transportasyon dahil limitado pa rin ang mass transport vehicles sa mga lugar na nakapailalim sa General Community Quarantine.--Jamil Santos/FRJ, GMA news