Babae ang ipinagbubuntis ng aktress na si Assunta de Rossi, at may naisip na siyang itatawag sa ngayon sa first baby nila ni Jules Ledesma.

Ibinahagi ni Assunta ang kasarian ng kaniyang baby na anim na buwan na sa kaniyang sinapupunan sa isang Instagram post.

"Still less than 2 weeks before I enter my 3rd trimester. Hang in there, coccolina (Italian for 'the cuddly one')! This is a snap from my congenital anomaly scan," bahagi ng caption ng aktres.

 

 

Patuloy niya, "I couldn’t be more grateful that everything’s good and normal and I pray it stays that way."

Sa ngayon, Fiore (Italian for flower) ang naisip ni Assunta na itawag sa kaniyang baby sa sinapupunan.

Noong nakaraang Mayo masayang ibinalita ni Assunta ang kaniyang ipinagbubuntis matapos ang 16 na taon nilang pagsasama ng kaniyang mister na si Ledesma.

Itinuturing ni Assunta na milagro ang kaniyang pagbubuntis dahil sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis. --FRJ, GMA News