Pinatunayan ng former Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan ang katagang "like mother, like daughter" nang ipakita niya ang galing sa pagsayaw ng anak nila ni Arthur Solinap na si Baby Shiloh.

Aliw na aliw naman ang "Mars Pa More" hosts na sina Iya Villania at Camille Prats sa pagiging bibo ni Shiloh, na makikitang nag-e-enjoy sa harap ng camera.

Kasabay nito, nagkuwento rin si Rochelle sa ginagawa niyang online tutorial sa pagsasayaw na sinimulan niya ngayong may community quarantine. Panoorin.

--FRJ, GMA News