Sa edad na 18, maagang naging ama at bumuo ng pamilya si John Estrada pero hindi ito naging madali na nagdulot sa kaniya ng depresyon. Paano nga ba ito nalagpasan ng aktor at nagsimulang muli?

"Of course the struggle was really there. Hindi ko alam kung paano ko natawid 'yun sa araw-araw. And to tell you honestly I really went to depression at the time because noong nawala 'yung 'Palibhasa Lalake,' tatlo 'yung anak ko tapos going to four," kuwento ni John sa "Tunay Na Buhay."

"And I just found myself really like, hopeless, helpless, to the extent na talagang I'll take my own life," dagdag pa niya.

Ngunit sa pagdaan ng mga panahon, unti-unti siyang nakabangon.

"Those struggles I went through, and honestly hindi ko talaga alam na kung paano ko naitawid talaga 'yung mga anak ko," sabi ni John.

Nagkaroon ng apat na anak si John sa aktres na si Janice de Belen, na sina Inah de Belen, Moira, Kaila at Yuan.

Nauwi sa hiwalayan sina John at Janice.

Nang maging single muli, nakilala ni John si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles.

"First meeting namin, kinapalan ko 'yung mukha ko, in-approach ko 'yung table niya, because I was single really at that time. Nakikita ko siya sa labas with Tim Yap, so what I did hiningi ko 'yung number niya kay Tim," kuwento ng aktor.

Taong 2011 nang magpakasal sina John at Priscilla, at biniyayaan ng anak na si Anechka Estrada. – Jamil Santos/RC, GMA News