Inilahad ng award-winning director na si Laurice Guillen kung paanong siya ang unang naka-"spot" sa Italian na fiancé na ngayon ng kaniyang anak na si Ina Feleo.

Sa "Mars Pa More," ikinuwento ni direk Laurice na nakaupo sila ni Ina sa St. Mark's Square sa Venice, Italy habang naghihintay ng kanilang susunod na tour.

"Nakatingin si Ina across the street tapos nakita niya 'yung dog, na-cute-an siya sa dog. Sabi niya, 'Ay look at the dog! Ang cute ng dog,'" sabi ni direk Laurice.

"Tapos sabi ko, 'Look at the one who's holding the dog,'" pagpapatuloy ni direk Laurice.

"Mars 'di ba? Mars na mars ang nanay ko," natatawang sabi ni Ina.

"Kaya puman (pan) up ako ngayon Mars Iya, pagkatingin ko doon sa dog, nag-tilt up akong ganoon, yeah I like (what I saw), tapos naka-side din siya. Eh naka-shades ako, sabi ko 'Puwede akong sumide (side), hindi niya halata masyado na sina-side ko siya,'" natatawang kuwento ni Ina.

"Basta tinginan muna, tinginan nang malala. Tapos mamaya, parang dinededma ko na, kain-kain, tapos si mommy sabi niya 'Naku, tatawid na 'yan, lalapit na 'yan.' Sabi ko 'Wag ka ngang maingay!'" pagpapatuloy pa ni Ina.

Pagkatapos dito, lumapit na raw ang Italian na si Giacomo Gervasutti at tinanong kung Español si Ina.

"Sabi niya, kasi nagpapakain ako ng mga Pigeon, 'di ba maraming mga ibon-ibon du'n, nagtatapon ako ng mga bread crumbs. Tapos sabi niya, 'Do you know that it's illegal to feed pigeons in Venice?' So parang medyo napahiya ako, 'Ah akala ko magpapa-cute siya, sinita lang pala ako,'" sabi ni Ina.

Pero "bumawi" naman daw si Giacomo Gervasutti.

"Sabi niya, 'Besides, they will fly above you and sh*t on your beautiful hair. And I wouldn't want that,'" kuwento ni Ina.

"'...to happen,'" dugtong ni direk Laurice, na natandaan din ang sinabi ni Giacomo.

Na-engage si Ina sa kaniyang Italian boyfriend noong nakaraang taon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Proud of you!?? The soul of @pasticci.ph and the reason why I am struggling to maintain my weight????

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo) on

 

--FRJ, GMA News