Sa programang "Tunay Na Buhay," diretsahang tinanong ng host na si Pia Arcangel si Manila Mayor Isko Moreno kung balak ba siyang tumakbong presidente sa 2022 elections.

Sa naturang programa, ipinasilip ni Mayor Isko ang ginagawa niyang serbisyo at mga ipinagkakaloob na tulong sa mga Manilenyo. Kung minsan, nanggagaling na sa sarili niyang bulsa ang tulong na kaniyang ibinibigay.

Dahil din sa mataas na kamalayan ng mga tao tungkol sa kaniya, marami ang naniniwala na puwede na siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan sa 2022.

Pagtiyak naman ni Mayor Isko, asahan na tatakbo siya sa 2022. Pero ano kayang posisyon? Panoorin ang kaniyang sagot sa video. --FRJ, GMA News