Pang-anim ang SB19 sa Top Social 50 Artists of 2020 ng Billboard Music Charts.

Sa Chika Minute report sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing pang-anim ang SB19, na nag-iisa ring Pinoy act na nakapasok sa Top 10.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Billboard (@billboard)

 

Kasama ng Pinoy pop band ang mga K-pop group na BTS, EXO, NCT 127, Seventeen, Tomorrow X Together, ATEEZ, at Blackpink.

Kabilang din sa Top 10 sina ang mga American artists na sina Ariana Grande at Billie Eilish.

Bago nito, nag-number two na rin ang SB19 sa weekly Social 50 list ng Billboard, na ranking ng mga pinakasikat na artist sa Facebook, Twitter at iba pang social media.

Kasama rin sa basehan ang dagdag na followers, page views at engagement. – Jamil Santos/RC, GMA News