Humingi ng tulong si Carla Abellana para sa gagawin nilang Christmas stray feeding ng kaniyang mga kaibigan.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Carla ng poster kung saan nakasaad na gagawin nila ito sa Disyembre 21 at 28.

Inilahad din nila ang kanilang mga kakailanganin kabilang ang dog food, kanin, ground pork, chicken liver at paper plates o bowls.

 

"Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too," caption ni Carla.

"Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a CLEAN & DECENT MEAL. ????" dagdag ng aktres, na isang animal welfare advocate. —LBG, GMA News