Ipinagdiwang nina Shaira Diaz at EA Guzman ang kanilang ikawalong anibersaryo bilang couple sa pamamagitan ng isang quick romantic get-away sa Boracay.

Sa Instagram post ni Shaira, makikita na sinulit nila ni EA ang Boracay, kabilang na ang puting buhangin sa beach at fine dining sa kanilang hotel.

"Another year down and many more to go ????" caption ni Shaira.

 

Sinulit din ni Shaira ang paliligo sa malinis na tubig ng sikat na tourist destination.

 

"8 Beautiful Years ??" caption naman ni EA sa kaniyang Instagram.

 

—LBG, GMA News