Pinusuan ng netizens ang anak nina Luane Dy at Carlo Gonzalez na si baby Christiano na kitang-kitang ang pagiging chill at relax habang nakababad sa swimming pool.

Sa Instagram ni Carlo, nag-post siya ng mga larawan ni baby Christiano habang nasa salbabida pero makalubog sa tubig ang katawan.

Nilagyan niya ng caption na "sleepwimming" na may kasamang laughing emoji ang mga larawan.

At dahil sa sobrang chill ni baby, tila inaatok na siya sa gitna ng pool.

 

 

Isinilang ni Luane si Baby Christiano Abril noong nakaraang taon.--Jamil Santos/FRJ, GMA News