Ibinahagi ng dating matinee idol na si Gio Alvarez na mayroon na siyang limang anak at magdadalawang-taong gulang ang kaniyang bunso.

Sa online talk show na "Just In," ipinakilala ni Gio sa host ng programa na si Paolo Contis ang kaniyang mga anak na sina Kaylene (23), Ramon (21), Bella (18), Jaba (11) at ang bunsong si Matinda.

Tinanong ni Paolo si Gio kung kumusta ba ang magkaroon ng maraming anak at papaano nito binago ang pananaw niya sa buhay.

"Even before pa, ganiyan naman kasi ang aking [upbringing]. Kasi marami kami sa pamilya eh; lima kaming magkakapatid, also my mother's side na relatives and my father's side madami na rin. So we're used to big families," ayon kay Gio na mapapanood sa Kapuso series na "Babawiin Ko ang Lahat."

Patuloy pa niya, "Kahit kay Tito Dolphy, because Tito Dolphy is also my second dad, madami rin kami doon. Noong nagkaroon na ako ng five kids, it's not too far from what I'm used to. It's really good. Actually, fun, super fun."

Masaya si Gio na tanggap ng kaniyang mga anak ang set-up ng kanilang pamilya.  Alamin kung bakit sa video na ito.


--FRJ, GMA News