Matapos ikasal, inihayag ni Lovely Abella na gusto na nila ni Benj Manalo na magkaroon na agad ng ikalawa nilang anak.

"As in, sana Lord now na agad agad. Kasi po talagang nagta-try na kami before itong mga pa-December," sabi ni Lovely sa programang "Mars Pa More."

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagpakasal sina Lovely at Benj nitong Enero.

"Pero sabi namin, 'Baka ayaw pa ni Lord kasi wala pang basbas,' sabi kong gano'n. So kaya nag-decide kaming mabilisan po 'yung wedding namin kasi gusto na nga talaga namin. So praying, hopefully na soon talaga," kuwento ng 'Bubble Gang' comedianne.

Nagpunta ng Boracay sina Lovely, Benj kasama ang anak ni Lovely na si Crisha Kaye para ipagdiwang ang kanilang kasal.

 

 

Matatandaan na muling nag-propose si Benj kay Lovely at Crisha Kaye.


--FRJ, GMA News